Link





Visitor's Counter
free hit counter



Welcome Message


Isang masiglang pagbati ang nais kong iparating sa lahat mula sa bumubuo ng Sanggunian ng aming papaunlad na Barangay Tenejero.

Tulad ng iba na nagnanais makatulong sa pamayanan sa pamamagitan ng paglilingkod, ay hangad ko rin ang pagtatagumpay sa bawat hangarin at pangarap para sa isang maunlad, maayos at matiwasay na barangay, higit sa lahat, ang pagkakaroon ng mamamayan na may puso, disiplinado at may takot sa Panginoon. Isang malaking karangalan na itong inyong abang lingkod ay mapiling Punong Barangay at maging ama ng Barangay Tenejero. Ang tanging paraan lamang upang masuklian ang pagtitiwalang ito ay tapat na paglilingkod at serbisyo upang gabayan para sahigit pang magandang bukas ang barangay na ito, puno ng tigib na pag-asa na maisakatuparan ang hangarin para sa higit pang pag-unlad at masaganang kinabukasan.                                                   

Hangad ko rin ang lubos na pag-agapay hindi lamang ng bumubuo ng Sangguniang Barangay, kundi maging lahat ng mamamayan na aming pinaglilingkuran.  Sapagkat kahit gaano kaganda ang pangarap ay hindi maisasakatuparan kung hindi magkakaroon ng pangkalahatang pagkakaisa.

Kasihan nawa tayo ng mapagpalang basbas ng ating Panginoon.  Maraming salamat po.