ROGELIO… maaaring ilarawan ang maraming bagay sa pangalang ito: isang sikat na spearman, isang anyo ng isang pangalan at isang pangalan ng isang Ama. Ang aming Natatanging Ama ay anak ng mag-asawang Potenciana at Mamerto Tranate. Ipinanganak noong Hulyo 12, 1947 at taal na taga Barangay Tenejero, Balanga City. Lumipas ang panahon at naging kabiyak ng kanyang kaibig-ibig na maybahay na si Luningning Pascual. Nakapagtrabaho siya sa PHEX, Lamao ng mahigit sampung (10) taon, nag-tricycle driver at hindi naglaon ay napagtapos niya ng kani-kaniyang kurso ang kanyang apat na anak sa mga kinikilalang paaralan dahil sa kanyang pagsusumikap at kasipagan.
1. Lourdes 2. Marilou - AB English - Heroes Memorial College 3. Roland - 3rd Year Civil Engineering – University of the East 4. Raymond – Computer Technician sa AMA College at kasalukuyang kagawad ng aming barangay. Siya ay isang amang mahusay na nadisiplina ang kanyang mga anak, mahigpit na nagtatama ng mga maling gawain ng mga supling at nagnanais ng kabutihan para sa kanyang pamilya. Siya ay isang modelong ama na gagawin ang lahat para sa pamilya gaano man ito kahirap. Maaaring marami ring mga ama ang kayang gawin ang mga bagay na ito ngunit para sa amin, nag-iisa lamang siya sa mundong ito. Ang aming Natatanging Ama,si G. ROGELIO TRANATE. |